Follow

Paano mag-cash out gamit ang Security Bank cardless ATM option?

Sa pamamagitan ng Security Bank ATM cardless ATM cash out option, pwede niyo po makuha ang pera niyo ng madalian, walang ibang bayad, at hindi niyo na po kailangan magkaroon na pisikal na ATM card.

Kailangan niyo lang po ang mga ito para ma-withdraw ang inyong pera sa kahit saang Security Bank ATM:

  1. 16-digit eGiveCash (EGC) card number: ito po ay ipapadala sa pamamagitan ng text message sa mobile number ng inyong recipient
  2. 4-digit Passcode: Ito po ay ipapadala sa inyong e-mail address (ito po yung e-mail address na ginagamit niyo sa Coins.ph)
  3. Exact Payout Amount: Ito po ay nakapaloob sa text message at sa sell order confirmation e-mail na pinadala sa inyong e-mail address.

Pakitandaan po na ang pinakamaliit po na halaga na puwede po ninyong ipadala sa pamamagitan ng eGiveCash ay 500 PHP, at ang pinakamalaking halaga po ay 10,000 PHP bawat transaksiyon. May buwanang limitasyon po ng 100,000 PHP. 


Ito po ang halimbawa ng isang text meessage na may laman ng 16-digit eG
C Card number:

EGC_1.png

Ito po ang halimbawa ng isang e-mail kung saan nakalagay ang 4-digit Passcode:

EGC_2.png

Kapag nasa inyo na po ang mga kailangang impormasyon na nasa itaas, pumunta lamang po sa isa sa mga ATM ng Security Bank.

Simulan niyo po ang inyong transaksyon sa pamamagitan ng pagpindot ng "Enter", at piliin po ang "eGiveCash".

Kayo po ay sasabihan na ilagay ang 16-digit eGC card number, at ang 4-digit passcode, at ang halaga ng ginawang cash out.

Hintayin niyo lang po matapos ang ATM sa pagproseso ng transaksyon. Ito po ay maglalabas ng pera at bibigyan po kayo ng resibo.

Ito po ang itsura ng resibo:

IMG_2411.JPG

Para po makahanap ng Security Bank ATM na malapit po sainyo, pwede niyo po gamitin ang kanilang online Branch and ATM Locator. 

Paalala lang po na ang cash out method na ito ay pino-proseso ng isang third party (Security Bank). Ang Coins.ph po ay hiwalay, sariling kumpanya sa Security Bank. Sa panahong nagkakakaroon po ng problema, kami po ay umaasa sa feedback ng Security Bank bago po makapagbigay ng refund.

Kung kayo po ay may karagdagang tanong, magbigay-tugon lang po sa help@coins.ph

Powered by Zendesk