Follow

Paano mag Cash In sa CoinsXpress 7-Eleven (Seven Connect)?

Mag-cash in sa iyong Coins.ph account sa kahit anong oras niyong gusto, sa lahat ng 7-Eleven dito sa Pilipinas!

Sundin ang mga sumusunod na steps:

  1. Piliin ang 7-Eleven coinsXpress option para maglagay ng pera. Ito ang presyo para sa pag-deposit gamit ang 7-Eleven:
    • P20-100: walang fee
    • P101-20,000: 2%
  2. Kunin niyo po yung 7-CONNECT reference number mula sa instruksiyon kung paano maglagay ng pera sa inyong wallet.
  3. Pumunta sa pinakamalapit na 7-Eleven, sabihan ang kahera na may 7-CONNECT reference number po kayo at ipakita ang barcode at reference number.
  4. Pagkatapos po nito, agad niyo pong makukuha ang pera sa inyong Coins.ph wallet.

Pakitandaan lang po na ang pinakamalaking halaga sa bawat transaksiyon na inyong gagawin ay 20,000 PHP lamang at ang cash-in option na ito ay available lang dito sa Pilipinas.

Powered by Zendesk