Hindi niyo na kinakailangan gumawa ng cash-in order para magdagdag ng pera sa inyong Coins.ph wallet! Maaaring mag-cash in instantly sa mga 7-Eleven CLIQQ kiosk!
Sundin lamang itong apat na steps:
- Pumunta lang po sa pinakamalapit na 7-11 outlet sa inyong lugar at lumapit sa kanilang CLiQQ kiosk.
- Piliin ang “e-money,” at pindutin ang Coins.ph.
- Ilagay ang tamang detalye at siguraduhing tama ito bago mag-confirm.
- Ibigay lang po sa cashier ang payment slip at bayaran ang cash in transaction.
- Maghintay ng ilang minuto para sa SMS confirmation na nadagdag na ang pera sa inyong Coins.ph Peso wallet.
Ganun lang kadali! Ngayong may pera na inyong Coins.ph account, maaari na kayong bumili ng load, magbayad ng bills, o magcash-out patungo sa remittance centers o sa inyong bank account.
Paalala lang na may 2% cash-in fee sa 7-Eleven CLIQQ cash ins from 20 PHP to 20,000 PHP.