Follow

Paano mag-cash in gamit ang CoinsXpress M Lhuiller EPay?

Ang bagong ML ePay ng M Lhuillier ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit ng Coins.ph para makapagbayad ng Bitcoins gamit ang cash sa kahit na anong M Lhuillier branch sa Pilipinas. Sundan lamang ang mga sumunod:

1. Siguraduhing valid ang inyong Coins.ph account.

 

Dahil sa Know Your Customer (KYC) / Anti-Money Laundering regulations, ang mga user na Level 2 verified pataas lamang ang makakakinabang ng ML ePay service.

Madali lamang gawing valid ang inyong account. Pumunta lamang sa https://coins.ph/settings/profile ; ilagay lamang ang buong pangalan, address, at contact number; mag-upload ng valid/government-issued ID; at pindutin ang submit. Maaaprubahan ito sa loob ng isang araw.

Para sa karagdagang impormasyon, pindutin lamang ito.


2. Gumawa ng Cash In order gamit ang inyong Coins account and piliin ang M Lhuillier.

 

Pagkatapos pindutin ang next, ikaw ay mapupunta sa order review page. Makikita rito ang 12-digit ML ePay Transaction Code. (Maaaring umabot ng kaunting sandali upang lumabas ang code; sa pansamantala, may makikita kayo sa screen na mensaheng “Please wait while we are processing your transaction”.

Screen_Shot_2017-03-25_at_9.12.13_PM.png

Tandaan ang code na ito at pumunta lamang sa isang M Lhuillier branch.

Para sa listahan ng M Lhuillier branches, pindutin lamang ito.

 

3. Magbayad sa M Lhuillier

 

Gamitin ang Sendout Form (kulay pula) sa pagbayad.

Sa “Sender’s Name”, ilagay ang inyong pangalan.

Sa “Receiver’s Name”, ilagay ang ML ePay at ang ínyong Transaction code.

Halimbawa:

mlepay-filledupform-sample.jpg

Iabot ang inyong cash at form sa kahera.

4. Maghintay ng email na magkukumpirma na ang inyong order ay “marked as paid” na.

Kapag nakatanggap ng email, ipinapatunay nito na ang M Lhuillier ay nakapagpasa na ng impormasyon tungkol sa inyong cash in papunta sa aming sistema. Kapag nakumpirma na namin ang inyong bayad, mailalagay na namin sa inyong wallet ang inyong funds.

 

Maaari rin kayong tumawag sa aming hotline sa +632 6316234 o mag-message sa help@coins.ph para sa inyong ibang katanungan.

Powered by Zendesk