Follow

Paano mag-cash in sa SM Bills Payment Center?

Ang pag-cash in sa inyong Coins Wallet sa mga SM Bills Payment Center nationwide ay posible dahil sa payment gateway service ng Dragonpay. Sundin lamang ang mga steps kung paano:

1. Magverify ng inyong ID and selfie.

Dahil sa Know Your Custommer (KYC)/Anti-Money Laundering regulations, ang mga users na may verified na account lamang ng pwedeng maka-avail ng service ng Dragonpay.

Para makapagvverify ng inyong account, pumunta lamang kayo sa link na ito: https://coins.ph/limits; magfill up ng form at magsubmit ng isang valid government ID. Ang verification request ay irereview within three (3) business days.

Para sa karagdagang impormasyon, iclick ito.

2. Gumawa ng cash-in order and piliin ang SM Bills Payment Center option.

Tandaan na kung ang account ninyo ay hindi verified, ang option na ito ay hindi visible o hindi makiclick.

Pagkatapos niyong gawin ang cash-in, i-click ang Pay with Dragonpay. Mapupunta kayo sa website ng Dragonpay para sa instructions.

Siguraduhin na SM Bills Payment Center ang pipiliin sa drop-down box at i-click ang “Select”.

Screenshot__230_.png

Sa susunod na screen, ibibigay sa inyo ang reference number na may 8 digit at final amount na inyong babayaran.

Tatanungin din kayo ng email address kung saan isesend sa inyo ang payment instructions. Gamitin ang email address na ginamit ninyo sa Coins.ph.

Screenshot__231_.png

Huwag kalimutan ang reference number at ang due amount. Kailangan ninyo ito iprovide pagpunta sa payment center.

3. Magbayad sa SM Bills Payment Center

Ang SM Bills Payment Centers ay makikita sa mga SM Department Stores, SM Supermarkets, SM Hypermarkets, SM Supercenters, Savemore Supermarkets at ibang SM retail establishments.

Ito ang SM Bills Payment Center sa SM City Bicutan:

smbillspaymentcenter.jpg

Mag-fill up ng BPS Validation Slip na available sa counter at iprovide ang mga details. Ito ang isang sample ng slip:

bps-sample.jpg

Sa biller company, ilagay ang Dragonpay.

Sa Card/Account/Policy No., isulat ang 8-digit reference number na naiprovide ng Dragonpay.

Sa Account name, ilagay ang inyong full name.

I-check ang box na “Cash” at isulat ang amount sa kabilang dulo.

Ibigay ang pera and form sa teller.

Pagkatapos magbayad sa teller, bibigyan kayo ng receipt na kapareho nito:

E3AA2349-CE65-4048-9066-0A7129FBFE96.jpg

Itabi ang resibo for reference.

4. Maghintay ng email na nagkoconfirm na ang inyong cash in ay namark na as paid.

Kapag nareceive ninyo ang email, ibig sabihin napasa na ng Dragonpay ang information ng inyong cash-in sa aming system. At kapag naconfirm na namin ito.

5. Done! I-rerelease na namin ang inyong cash in!

 

Kung hindi pa rin ito malinaw, pwede niyo kami i-email sa help@coins.ph.

Gusto niyo bang itry ang biang payment options? Click here para bumalik sa Payment FAQ.

Powered by Zendesk