Follow

Paano mag claim ng funds gamit ang LBC Peso Padala?

Ito po ang mga kailangang iprovide pag nagclaim ng padala sa LBC:

  • Dalawang (2) valid ID na may eksaktong pangalan na pinrovide ng sender sa kaniyang sender
  • Ang tracking number ng payout
  • Ang eksaktong halaga na inyong ineexpect na matanggap

Paano kung wala akong dalawang valid ID?

Ang mga remittance company tulad ng LBC ang nagdedecide kung ang ID ay valid base sa mga guideline na binibigay ng Banko Sentral ng Pilipinas

Maaari niyo pa ring ma-claim ang padala kahit na isang valid ID lang ang inyong maipapakita. Ngunit ito ay naka-depende na sa LBC agent na magproproseso ng padala. Ang maaaring tignan ng agent ay ang quality ng ID at yung laki ng halaga ng padala.

Tip: Mairerekomenda po namin na gamitin niyo ang cardless ATM Instant Payout  option.  Kapag nag Cash Out kayo gamit ang option na ito, maaari niyong ma-withdraw ang funds mula sa selected Security Bank ATMs sa Pilipinas instantly. Ito ay libre at hindi kinakailangan ng bank account.

Paano makuha ang claiming details

Kung kayo ay magcclaim ng LBC cash-out mula sa Coins.ph, ang claiming details ay makukuha niyo sa inyong email at through SMS sa oras na pwede nang makuha ang pera padala.

Pumunta lamang kayo sa LBC outlet na malapit sa inyo kasama ang inyong ID at claiming details para makuha ang padala.

claimingdetails.pngKung kayo ay magcclaim ng LBC cash-out mula sa Coins.ph, ang claiming details ay makukuha niyo sa inyong email at through SMS sa oras na pwede nang makuha ang pera padala.

Pumunta lamang kayo sa LBC outlet na malapit sa inyo kasama ang inyong ID at claiming details para makuha ang padala.

Proseso ng pag-claim

claiming-instructions.png

Pagkadating sa LBC outlet, ipaalam ninyo sa attendant o teller na andoon kayo para magclaim ng padala. 

Ito ay isang sample ng form:

lbc-encashment.jpg

Kung unang beses niyong magcclaim ng padala mula sa LBC, kayo ay ipapa-fill out ng application form para sa LBC Express Card.

Ito ang sample ng itsura ng card:

lbc-card.jpg

Ibigay lamang sa teller ang na-fill out na forms kasama ang inyong valid IDs at hintayin na maproseso ang padala.

Ang padala ay ibibgay ng teller kasama ang resibo pagkatapos itong maproseso.

Kung mayroon kayong mga katanungan o problema sa pagclaim ng padala, mag email lamang sa amin sa help@coins.ph o maaari rin kayong tumawag sa amin sa 0905 511 1619, 10 AM to 6 PM, Monday to Friday.

 

Powered by Zendesk