Follow

Paano mag-cash out sa Palawan Express Pera Padala?

1. Pumunta sa Website o Mobile App at piliin ang “Cash Out”.

2. Hanapin at piliin ang “Cash Pick-up > Palawan Express Pera Padala”

Mula Lunes hanggang Linggo, kapag gumawa ng cash out order bago mag alas-dose ng tanghali, makukuha ito sa Palawan bago mag alas-seis ng hapon sa araw rin na iyon. Kapag gumawa ng cash in order pagkalampas ng alas-dose ng tanghali, makukuha ito kinabukasan bago mag alas-sais ng hapon.

Screen_Shot_2017-04-09_at_2.52.06_PM.png

3. Ilagay ang halata ng gustong i-cash out

15 PHP ang pinakamababang puwedeng i-cash out

Screen_Shot_2017-04-09_at_2.52.45_PM.png

4. Ilagay ang mga sumusunod:

  • Buong pangalan ng tatanggap ng cash out
  • Buong address ng tatanggap ng cash out (siguraduhing magtutugma ang mga detalye sa ID na ipe-presenta sa pag cash out)
  • Contact number ng tatanggap ng cash out

Ang fee ay magbabago depende sa halaga ng cash out.

Screen_Shot_2017-04-09_at_2.53.28_PM.png

5. Pindutin ang “Complete Payment” at ikaw ay tapos na!

Ang nagpadala ay makatatanggap ng email patungkol sa detalye ng pag-cash out. Ang tatanggap ay makakukuha ng text message patungkol sa detalye ng cash out.

Hindi ba’t napakadaling mag-cash out? Subukan ito ngayon! Kung may mga karagdagang tanong, huwag mag-atubiling mag-email sa help@coins.ph

Powered by Zendesk