Madali lang mag-cash in sa Coins kahit hindi niyo dala ang inyong phone! Pwede niyo itong gawin instantly through 7-Eleven CLiQQ kiosks!
Sundin lamang ang mga sumusunod:
- Pumunta sa pinakamalapit na 7-Eleven branch, at lumapit sa kanilang CLiQQ kiosk.
- Piliin ang “e-money,” at i-tap ang Coins.ph.
- Ilagay ang tamang detalye. Ilagay ang phone number na nakarehistro sa inyong Coins.ph account at siguraduhin na ang cash-in amount ay hindi lalagpas sa inyong daily cash in limits.
- Ibigay lamang sa kahera/kahero ang payment slip at bayaran ito.
- (Optional) Hintayin ang SMS confirmation na pumasok na ang pera sa inyong Coins PHP Wallet.
Ganun lang kadali! Ngayong may pera na inyong Coins Wallet, maaari na kayong bumili ng load, magbayad ng bills, magpadala ng pera, bumili & magbenta ng crypto at marami pang iba.
Paalala lang na may 2% cash-in fee sa 7-Eleven CLiQQ cash ins mula PHP100 hanggang PHP20,000.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tingnan ang aming Status Page.