Ang Coins Pro ay naglalayong matulungan ang buyers at sellers na malayang makapag-trade ayon sa kani-kanilang presyo! Nagaalok din ang aming trading platform ng iba’t-ibang advanced charting tools na maaring gamitin sa inyong chart o market analysis.
Makikita sa itaas na bahagi ng inyong Trade View ay ang 24-hour price changes ng inyong piniling cryptocurrency (para sa mga halimbawa sa seksyon na ito, gagamitin po namin ang ETHPHP trading pair):
Sa kasalukuyan, mayroon tayong dalawang (2) chart na maaari nilang pagpilian:
- Basic Charts - maaaring palitan ang chart style, scales, background, timezone/sessions, at time intervals gamit ito.
2. Advanced Charts - itinatampok rito ang Indicators at mga Drawing Tools para sa mas detalyadong charting analysis nila.
TIME INTERVALS
Ito ay ginagamit kung nais nilang palitan ang default setting para sa inyong chart time intervals upang ito ay:
- Ikahon sa mas maiksing time period, o
- Makita ang mas mahabang time period (bird’s eye view) sa naging price changes ng piniling cryptocurrency
Sa ngayon, maaari silang pumili sa mga time intervals na ito gamit ang Basic o Advanced Charts:
- 1 min.
- 5 min.
- 15 min.
- 30 min.
- 1 hour
- 2 hour
- 4 hour
- 6 hour
- 12 hour
- 1 day
- 1 week
- 1 month
DRAWING TOOLS
Makikita sa kaliwang bahagi ng inyong Advanced Charts ang inyong Drawing Tools section. May kanya-kanyang gamit ang mga ito upang tulungan kayo sa pagbuo ng inyong chart.
- Cross - nakabatay sa ginagamit na cursor sa chart. Maaaring palitan ito ng Dot, Arrow, o Eraser
- Trend Line - inilalagay ang trend line upang makatulong sa pag-analyze ng price trends. Ang lapad ng linya (width), arrowhead, at kulay ng linya ay napapalitan
- Pitch Fork - nagbubukas sa iba’t-ibang trend channels na maaaring gamitin sa inyong charting analysis
- Brush - ginagamit upang makapaglagay ng indicator gamit ang free-form brush
- Text - ginagamit upang makapaglagay ng text sa chart
- XABCD Pattern - ipinapakita ang five (5) point chart pattern
- Long Position - ginagamit upang magtakda ng entry point upang i-assume ni user ang long position na magsisimula sa entry point
- Icon - ginagamit kung nais nila maglagay ng special icon o karakter sa chart
- Measure - sinusukat ang distansya sa pagitan ng mga bar/amount
- Zoom In - pinalalaki ang partikular na bahagi ng chart
- Magnet Mode - maaaring gamitin kasabay ang alinman sa mga drawing tools upang madaling i-konekta ito sa mga bars/points
- Stay In Drawing Mode - upang maiwasan ang paulit-ulit na pagpindot sa drawing tool
- Lock All Drawing Tools - upang maiwasan ang hindi inaasahang paggalaw ng drawing objects sa chart
- Show Objects Tree - ginagamit upang mas madali ang pamamahala o pag-grupo sa mga drawing tools
- Remove Drawing Tools - tinatanggal ang mga nailapat na drawing object sa inyong chart
INDICATORS
Tumutulong ang Technical Indicators upang maging madali ang paggawa ng desisyon ng mga users kung itutuloy o ititigil ang kanilang trade batay sa iba’t-ibang strategy na maaaring piliin dito. Makikita ito sa ilalim ng Advanced Chart section.
Upang makakuha ng karagdagang impormasyon patungkol sa Technical Indicators, maaari nilang bisitahin ang TradingView FAQ section na ito.