Paano makukuha ang claiming details
Ipapadala sa email at SMS ang claiming details ng inyong Palawan Express cash out kapag maaari nang makuha ang inyong pera sa M Lhuillier branch.
Mga kailangang dalhin
Kapag natanggap niyo na ang email o SMS na may kasamang claiming details, maaari na kayong pumunta sa isang M Lhuillier branch para kunin ang pera! Bago pumunta, siguraduhin lamang na dala niyo ang mga sumusunod na hihingin sa inyo sa branch:
- Dalawang (2) valid IDs na nagdadala ng apelyido na kapareho ng apelyido na nailagay niyo/ng inyong sender sa cash out
- Padala Tracking number (tinatawag din na “KPTN”)
- Pangalan ng padala sender
- Eksaktong halaga ng matatanggap na pera
Paraan ng pagkuha
Pagdating sa M Lhuillier branch, lumapit sa teller upang sabihin na may kukuha kayong pera. Bibigyan kayo ng Receive Money form na inyong pupunuin.
Halimbawa ng form:
Kung sakaling unang beses niyong kumuha ng pera sa M Lhuillier, kinakailangang punuin ang Information Data sheet.
Halimbawa ng Information Data Sheet:
Ipakita ang napunong form, kasama ang inyong valid IDs, sa teller at hintaying maproseso ang inyong remittance.
Matapos ang 3-5 minuto na pagproseso nito, ibibigay ng teller ang cash at resibo ng inyong padala.
Kung nahihirapang kunin ang cash, maaari kayong makipag-ugnayan sa amin sa help@coins.ph.