Posible nang magcash in sa inyong Coins.ph Peso wallet gamit ang SM Bills Payment Center option sa pamamagitan ng pagbayad sa DragonPay.
Para masubukan ito, sundin lamang ang madadaling hakbang na ito:
1. Gumawa ng cash-in order and piliin ang SM Bills Payment Center option.
Paalala na magagamit lamang ang opsyon na ito kapag ID at selfie verified ang inyong Coins.ph account.
Matapos ilagay ang mga detalye ng cash in, i-click ang Pay with Dragonpay. Kay ay mareredirect sa DragonPay website kung saan niyo makikita ang mga panuto para makumpleto ang inyong cash in.
Siguraduhin na SM Bills Payment Center ang pipiliin sa drop-down box at i-click ang “Select”.
Sa susunod na screen, ibibigay sa inyo ang reference number na may walong (8) numero at final amount na inyong babayaran.
Tatanungin din kayo ng email address kung saan isesend sa inyo ang payment instructions. PAng ibibigay niyo po dito ay ang email address na nakalink sa inyong Coins.ph account.
Huwag kalimutan ang reference number at ang due amount, sapagkat kailangan itong ibigay kung magbabayad na sa payment center.
3. Pumunta sa pinakamalapit na SM Bills Payment Center at magbayad.
Ang SM Bills Payment Centers ay makikita sa mga SM Department Stores, SM Supermarkets, SM Hypermarkets, SM Supercenters, Savemore Supermarkets at iba pang SM retail establishments.
Mag-fill up ng BPS Validation Slip na makukuha sa counter at ilagay ang sumusunod na detalye:
Biller Company: DragonPay.
Card/Account/Policy No.: 8-digit reference number na ibinigay ng DragonPay.
Account Name: (inyong buong pangalan)
Markahan ang kahon ng “Cash” at isulat ang amount sa kabilang dulo.
Halimbawa ng BPS Validation Slip:
Ibigay itong BPS Validation Slip sa teller at ang inyong bayad. Bibigyan kayo ng resibo kagaya nito:
Paalala: Huwag walain ang resibo para magabayan.
4. Maghintay ng email na magbibigay kompirmasyon na Mark as paid na ang inyong cash in.
Ipapahiwatig ng confirmation email na naipasa na ng DragonPay ang impormasyon ng inyong cash in sa aming system.
5. Kapag naconfirm na namin ito, mapapasok na ang funds sa inyong Coins.ph Peso wallet.
Kung sakaling may hindi malinaw, maaari niyo kaming i-email sa help@coins.ph.