Sa pamamagitan ng payment gateway service ng DragonPay, makakapagcash-in na kayo sa kahit anong Bayad Center outlet nationwide. At dahil accredited Bayad Center outlet ang LBC, makakapagcash-in din kayo sa kahit anong LBC branch!
Pareho lang ang proseso ng pagcash in sa LBC at sa Bayad Centers.
1. Gumawa ng cash-in order and piliin ang LBC Bills Xpress via Dragonpay option.
Paalala, magagamit lamang ang opsyon na ito kapag ID at selfie verified ang inyong Coins.ph account.
Matapos mag-confirm, mapupunta po sila sa instruction page. I-Click 'Pay with Dragonpay' para mapunta sa Dragonpay Page.
Sa susunod na screen, ibibigay sa inyo ang reference number na may walong (8) numero at final amount na inyong babayaran.
Tatanungin din kayo ng email address kung saan isesend sa inyo ang payment instructions. Ang ibibigay niyo po dito ay ang email address na nakalink sa inyong Coins.ph account.
2. Magbayad sa LBC.
Mag-fill up ng Payment Slip na makukuha sa counter.
3. Maghintay ng email na magbibigay kompirmasyon na Mark as paid na ang inyong cash in.
Ipapahiwatig ng confirmation email na naipasa na ng DragonPay ang impormasyon ng inyong cash in sa aming system.
4. Kapag naconfirm na namin ito, mapapasok na ang funds sa inyong Coins.ph Peso wallet!
Kung sakaling may hindi malinaw, maaari niyo kaming i-email sa help@coins.ph.