Mahahanap ang inyong Wallet Balance sa kaliwang banda ng inyong dashboard kapag nag log-in kayo sa Coins.ph website.
Maaari rin kayong pumunta sa https://coins.ph/wallet para makita ang lahat ng incoming at outgoing na transaksyon na ginawa mula sa at patungo sa inyong account.
Sa Coins.ph app, mahahanap ang balanse ng inyong wallet sa bandang itaas ng inyong screen.
Paalala lamang na ang Peso value na mahahanap sa ilalim ng inyong Bitcoin wallet balance ay ang Peso conversion ng inyong Bitcoin gamit ang kasalukuyang Coins.ph sell price. Maaari ninyong i-swipe ang screen para makita ang ibang mga wallets ninyo katulad ng BTC, ETH, BCH, at XRP wallets.
Kung mayroon pa kayong ibang tanong o concern, maaaring magpadala sa amin ng mensahe sa Coins.ph app o magpadala ng email sa help@coins.ph para ma-assist namin kayo ng tuluyan.