Kapag nag-login kayo sa Coins.ph website, makikita niyo ang balanse ng inyong Peso Wallet sa kaliwang bahagi ng screen:
Bitcoin Wallet kumpara sa Peso Wallet
Katulad ng inyong Bitcoin Wallet, ang inyong Peso Wallet ay:
- may wallet address din
- mayroon ding balanse
- makakatanggap ng Bitcoin mula sa ibang Bitcoin wallet o plataporma
Pindutin ang QR Code icon na ito para makita ang Peso Wallet address:
Ang pangunahing diperensya ay nakatali sa partikular na Peso value ang lahat ng Bitcoin na ipapadala ninyo sa Peso Wallet, ayon sa Coins.ph sell rate sa oras ng inyong transaksyon.
Ano ang magagawa ng Peso Wallet para sa akin?
Kung karaniwang tumatanggap kayo ng pondo gamit ang Bitcoin -- halimbawa, kung freelancer o offshore employee kayo na tumatanggap ng Bitcoin bilang propesyonal na bayad/sahod, o nagpapadala ang inyong kapamilya na abroad ng Bitcoin sa inyo dito sa Pilipinas -- maaari niyong hilingin sa sender na magpadala sa inyong Peso Wallet address kaysa sa inyong Bitcoin Wallet address. Sa ganitong paraan, iiwasan niyo ang posibilidad na lumiit ang halaga ng inyong pera dahil sa mga pagbabagu-bago sa exchange rate.
Pagpapapalit ng Peso at Bitcoin
Magpapalit ng Peso at Bitcoin sa pamamagitan ng pag-click ng Convert button sa main wallet screen.
Kapag nagpapapalit mula sa Bitcoin patungo sa PHP at vice-versa, pakitandaan ang conversion rate:
Kapag magpapalit kayo mula sa Bitcoin Wallet patungo sa Peso Wallet, ginagamit ng aming sistema ang kasalukuyang sell price.
Kapag magpapalit kayo mula sa Peso Wallet patungo sa Bitcoin Wallet, ginagamit ng aming sistema ang kasalukuyang buy price.