I-load agad-agad ang inyong Coins.ph account kahit kailan, sa kahit saang 7-Eleven store sa Pilipinas gamit ang 7-Eleven Instant Cash In (7-CONNECT) na opsyon.
Sundin lang ang mga sumusunod:
- Buksan ang inyong Coins.ph wallet at piliin ang 7-Eleven coinsXpress option para mag-cash in.
Narito ang mga fees kapag nagdedeposito gamit ang 7-Eleven:
- PHP 20-100: WALANG FEE
- PHP 101-20,000: 2%
- Pumunta sa malapit na 7-Eleven branch, ipaalam sa kahera/kahero na mayroon kayong 7-CONNECT reference number, ipakita ang barcode at reference number, at bayarin ang inyong cash in.
- Maghintay nang saglit, at papsok ang pera sa inyong Coins.ph Peso wallet.
Pakitandaan lang po na ang pinakamalaking halaga na pwedeng ilagay para sa outlet na ito ay 20,000 PHP lamang at available lang ito dito sa Pilipinas.