Dahil sa internet, maaring maakit sa mga kumakalat na "get rich quick" investment schemes o kaya ay malinlang sa pagbili ng mga non-existent na produkto.
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ay naglabas kamakailan ng Frequently Asked Questions (FAQs) on Virtual Currencies, na nagpapayo sa publiko na wag sumunod sa nauuso o herd mentality, o kaya ay sumali sa mga speculative na transakyon. Nag-abiso din ang BSP para sa mga nagbabalak na maginvest sa Virtual Currency o VC na siguraduhin munang ito ay pagaralan at intindihing mabuti bago maginvest dito dahil sa pabago bagong presyo nito na maaring magdulot ng malaking kawalan.
Ang Coins.ph ay hindi nag-eendorso at hindi affiliated sa kahit anong mang aktibidad o produktong katulad nito. Inaabisuhan ang aming mga customer na mag-ingat kapag tayo ay nakikipagtransaksyon sa mga indibidwal o kumpany na nangangako ng madali at garantiya na kita, lalo na ang mga kumpanya o indibidwal na hindi lisensyado ng gobyerno.
Mag-ingat tayo sa ating mga transaksyon sa Coins.ph dahil ito ay hindi na naibabalik.
Nasa user ang full responsibility ng pagpapadala ng kanyang pera sa ibang wallet address kaya ipinapayo na tayo ay maging mas maingat at mas kilalanin kung sino ang ating ka-transaksyon.
Maraming potensyal ang Blockchain Technology sa pagpapabuti ng ating lipunan ngunit merong mga taong gagamit nito para sa kanilang pansarili . Isa sa mga misyon ng Coins.ph ang pagbabalis ng financial inclusion at ang pagpapadali ng pagpapadala ng pera sa pamamagitan ng digital currency. Sinigurado din na seguridad ng ating mga transaksyon at ito ay sumusunod sa mga KYC at AML na regulasyon.
Nakasaad sa User Agreement na hindi pinapahintulot ang paggamit ng Coins.ph sa panloloko o panglalamang sa ibang tao. Ang mga lalabag sa user agreement na ito ay iimbestigahan ng Coins.ph at masususpinde sa plataporma.
Ang bagong SEC Advisiory tungkol sa Online Paluwagan ay makikita dito[https://support.coins.ph/hc/en-us/articles/360000054321-What-is-the-latest-SEC-Advisory-on-Online-Paluwagans-] at ang mga listahan ng mga scamming websites ay makikita dito: http://www.badbitcoin.org/thebadlist/.
Kung tayo ay merong nais ireport, maari tayong mag-message agad sa help@coins.ph.