Bukod sa pagbili ng load o pagbayad ng sariling bills, maaari ring gamitin ang inyong Coins.ph account para maging payment at loading center.
Anong mga serbisyo ang maaaring gamitin upang kumita ng pera?
- Prepaid loading — Globe, Smart, Sun, TM, and Talk ’N Text. Makakakuha kayo ng 10% rebate* sa inyong load transaction.
- Bill payments — May 90+ billers, kasama na rito ang PLDT, Meralco, and Globe postpaid na maaaring bayaran. Makakakuha kayo ng 5 PHP sa bawat unique bill na babayaran.
Para magsimula:
Step 1: Mag-cash in sa inyong Coins.ph account.
Ang pera sa loob ng inyong account ang inyong gagamitin para sa pagbenta ng load at pagproseso ng bill payments.
Step 2: Sabihan ang inyong mga kapamilya, kaibigan, at ka-trabaho para makabawas sa oras sa pagpila sa pagpapaload at pagbabayad ng bills.
Paano kumita sa pagiging payment center?
*Para sa pagbili ng load, may 10% rebate sa unang Php2,000 halaga ng load. Pagkatapos noon ay magiging 5% ang rebate at magrereset ito kada buwan. Available ito kapag bumili ng load para sa ng Globe, Smart, Sun, TM, or Talk n Text phone number.
Para naman sa pagbayad ng bills, may 5 PHP cashback sa pagbayad ng kada unique bill - Smart, Globe, Sun, PLDT, Maynilad, and 90+ iba pang providers. Tingnan dito ang listahan ng acceptable billers. Pwera pa dito, may adisyunal na 100 PHP cashback kung makapagbayad ng kada 5 unique bills mula Lunes hanggang Linggo sa Coins.ph.
Ano ang unique bill?
Masasabing unique ang bill kapag:
- May iba itong account number,
- Hindi pa ito nababayaran sa Coins.ph sa kasalukuyang buwan,
- Hindi bababa sa P100 ang halaga ng binayaran.
Maaari rin kayong magbayad ng magkakaibang account sa isang biller at matatanggap mo pa rin ang reward.
Kailan matatanggap ang 100 PHP cashback?
Kung may nabayaran na at least 5 unique bills, papasok sa inyong wallet ang reward sa gabi ng Huwebes ng susunod na linggo.
Maaaring tingnan ang blog para sa mga updated promos.
Susunod: Magkano ang kikitain ko?