Maaaring magproseso ng kahit na ilang bills, o magreload sa kahit ilang prepaid mobile number. Nakabatay ang maaaring kitain sa klase ng serbisyong ginamit ninyo.
Makakukuha ng 10% rebate sa unang 2,000 PHP halaga ng load sa isang buwan at 5% pagkatapos (nagre-reset kada buwan). Para naman sa bills payment, makakukuha ng 5 PHP reward sa bawat unique bill, at madadagdagan pa ito ng 100 PHP kung nagbayad ng limang unique bill sa loob ng isang linggo (mula Lunes hanggang Linggo).
Para mas maipaliiwanag ito, narito ang isang halimbawa. Sabihin nating nakapag-cash in kayo ng 5000 PHP sa inyong Coins.ph account. Narito ang mga posibleng komputasyon ng maaaring kitain.
- Para sa prepaid loading, kikita kayo ng 350 PHP kung ginamit ang buong 5,000 PHP sa pagbili ng load. (10% x 2,000 PHP + 5% x 3,000 PHP)
- Para sa pagproseso ng bill, kikita kayo ng 125 PHP para sa 5 bill payments, kung ang bawat bill ay 1,000 PHP ang halaga (5 PHP x 5 bills, plus 100 PHP bonus sa pagbayad ng 5 bill sa loob ng isang linggo.
- Maaari ring kumita kung ginamit ang parehong serbisyo.
Paalala:
- Ang reward na makukuha ninyo ay makakaapekto sa inyong cash in limits.
- May karapatan ang Coins.ph na ihinto ang pag-credit ng mga rewards para sa hinala ng mga mapanlinlang na transaksyon, maling data ng customer, pang-aabuso sa promo o hindi pagsunod sa karagdagang pag-verify na itinuring na kinakailangan ng kumpanya.
Susunod: Mayroon bang karagdagang fees ang paggamit ng Coins.ph?