Upang makapagpadala ng payment request, kinakailangan lang ang recipient's email address, phone number, o Facebook name ng pagpapadalhan mo!
Para makapagpadala ng payment request, kailangan lamang ng isa sa mga sumusunod:
- Valid phone number ng taong magbabayad, o
- Ang kanyang email address, o
- Ang kanyang Facebook name kung ang Coins.ph account ay nakalink sa kanyang Facebook.
Maaaring magpadala ng payment request gamit ang:
1. Sa inyong Android o iOS App, hanapin ang “Receive” button katabi ng “Send” button.
2. Pagtapos pindutin nito, piliin ang “Request from Friends.”
3. Ilagay ang email address, valid mobile number, o Facebook name ng taong magbabayad sa inyo.
4. Ilagay ang halaga ng babayaran, at para naman sa “What’s it for,” maglagay ng maikling mensahe o note kung para saan ang hinihinging pera.
5. Pindutin ang lock icon (para sa may Android device) o ang icon na nakalagay sa lower right (para sa may iOS device) para mapalitan ang privacy settings ng inyong request.
- Gawing “Public” para maipost ito sa inyong Facebook page at lalabas sa Coins.ph Feed.
- “Friends” ang ilagay para ma-share at makikita ito ng inyong Facebook friends.
- Piliin naman ang “Participants Only” kung ayaw ibahagi ang payment request sa iba at ang taong magbabayad lamang ang makakatanggap ng notification.
Pagtapos nito, maaari nang mag-Slide to Request.
Gamit ang website
1. Maglog-in sa inyong Coins.ph account at hanapin ang “Request” button na matatagpuan sa ilalim ng inyong Peso Wallet balance.
2. Kapag pinindot ang option na ito, lalabas ang Payment request box.
3. Ilagay ang email address, valid mobile number, o Facebook name sa “To:”.
4. Ilagay ang halaga ng babayaran, at para naman sa “What’s it for,” maglagay ng maikling mensahe o note kung para saan ang hinihinging pera.
5. Sa ilalim naman ng Audience matatagpuan ang settings kung saan makapipili kung kanino nais ibahagi ang request.
6. Pagtapos punan ang lahat ng fields, maaaring pindutin ang “Send Request” button.
Ang taong pinadalhan ng request ay agad na makatatanggap ng notification sa SMS o kaya email kung saan makikita ang halaga ng request at ang detalyeng inilagay ninyo.
Pagtapos bayaran ang request, agaran itong papasok sa inyong Coins.ph wallet at makatatanggap ang bawat isa ng notification ukol sa binayaran.