Ang Ethereum ay isang decentralized, blockchain-based na plataporma kung saan kahit sino ay pwedeng gumawa at magpatupad ng mga decentralized applications (DAPPS).
Sa madaling salita, sa Ethereum maaring gumawa ang kahit sino ng mga app sa blockchain at ang saklaw nito ay hindi lamang limitado sa pagbabayad. Ang Ethereum blockchain ay kinonekta ang libo-libong mga computer sa mundo at bumubuo ng isang malaking pandaigdigang computer na network kung saan kahit sino ay pwedeng gumamit, gumawa at magpatupad ng mga program.
Para gumawa o magpatupad ng mga program sa Ethereum, kailangan mong magbayad gamit ang Ether (ETH). Kahit minsan ay tinatawag itong "cryptocurrency", ang Ether ay hindi nilayon na maging pera lamang. Mas wastong sabihin na ito ay parang digital "fuel" na kinakailangan para magpatupad ng mga gawain at transaksyon sa Ethereum network.
Upang malaman kung paano gumawa ng Ethereum wallet sa inyong Coins.ph account, mangyaring i-click ang link na ito.