Ang Bitcoin ay isang peer-to-peer payment network, habang ang Ethereum ay pinadadali ang apps at smart contracts, gamit ang Ether (nagsisilbing sariling pera ng Ethereum).
Sa madaling salita, ang Ethereum at Bitcoin ay parehong distributed public blockchain networks na may magkaibang bersyon ng blockchain technology na may magkaibang layunin. Ang mga miners ay ang nagtatrabaho sa bawat network upang patunayan ang bawat transaksyon. Kumikita sila ng Bitcoin (sa Bitcoin network) o Ether (sa Ethereum network) para sa kanilang trabaho.
Ang smart contract ay bersyong digital ng isang tradisyunal na kontrata. Tinutulungan ka nitong makipagpalit ng pera, ari-arian, o kahit anong mahahalagang bagay gamit ang blockchain ng walang ahente o third party. Sa madaling salita, ang isang smart contract ay tumutulong upang i-program ang mga kondisyon ng inyong kontrata (hal. "kung ito ang nangyari, dapat itong resulta na ito ang mangyayari").
Ang isang Bitcoin transaction ay hindi isang smart contract. Sa Bitcoin network, maaari kang magpadala o tumanggap ng pera nang hindi dumadaan sa bangko. (Hal.: kung nagpadala ako sa inyo ng Bitcoin, mawawala ang Bitcoin na iyon sa aking wallet, dahil ikaw na ang may-ari ng Bitcoin na iyon).
Sa Ethereum network ang mga smart contract ay mayroong mga gamit bukod pa sa paglipat ng pera. Maaari mong gamitin ang mga ito upang bumili o magbenta ng bahay, bantayan ang inyong kalusugan, at iba pa. (Hal.: kung lalagdaan ko ito, mapupunta sa akin ang bahay at hindi na ikaw ang may-ari).
Hindi tulad ng Bitcoin, ang layunin ng Ether ay hindi para maging alternatibong pera para sa salapi o pagbayad. Ang layunin nito ay para sa pagbabayad ng smart contracts, transaction fees, at iba pang serbisyo na ginagamit ang Ethereum network. Sa madaling salita, kung gusto mong magpatupad ng isang smart contract gamit ang isang decentralized application (DAPP) sa Ethereum network, kinakailangan mong magbayad ng Ether.