Ang Coins.ph ay nag-aalok na ang Ether wallet! Itong simpleng gabay na ito ay tutulong sa inyong bumili ng Ether sa Pilipinas:
- Gumawa ng isang Coins. ph account gamit ang aming Android app, iOS app, o website, kung wala pa kayong account. Para sa mas detalyadong gabay, maaring pumunta dito.
- Mag-cash in gamit ang kahit anong outlet. Para makuha ang inyong pera kaagad, mag-cash in gamit ang Cebuana, Palawan Express, M Lhuillier o InstaPay (kinakailangang L2 Verified ang inyong account).
- Kung wala pa kayong Ethereum wallet, tingnan ang aming gabay kung paano on i-activate ang inyong Ethereum wallet.
- Kapag meron na kayong Ethereum wallet, ilagay ang halaga ng PHP na gusto niyong ipagpalit sa ETH. I-slide ang pindutan para simulan ang palitan, at kapag natapos na iyon, nakabili ka na ng Ethereum!