Dahil sa mga digital currency protocols, ang mga transaksyon ay irreversible o hindi na maka-kansela.
Kung ipinadala ninyo ang Ether sa maling address o sa isang non-Ether wallet, ikinalulungkot naming sabihin na hindi na mababawi ang inyong pera. Hindi kontroldo ng platform ang mga transaksyon kapag ito ay naproseso na.
Tiyaking nasuri ng maigi ang detalye ng inyong transaksyon bago kumpirmahin at ipadala ito. Narito ang ilang mga tip upang maiwasan ang mga pagkakamali:
- Siguraduhin na may kakayahan ang receiving wallet platform na tumanggap ng ETH galing sa Smart Contract wallets. BASAHIN: Ano ang mga Smart Contract?
- Palaging i-copy and paste ang wallet address. Huwag i-type ito, dahil pinatataas nito ang pagkakataong gumawa ng isang error.
- Pagkatapos i-paste ang wallet address, i-double check ang una at huling ilang mga character.
Mag-ingat sa pagpapadala ng Ether. - Huwag magpadala ng mga pera sa mga indibidwal na hindi mo kilala.