Ano ang Ether?
Ang Ether ay isang token na ginagamit sa Ethereum network. Ginagamit ito para makapagbayad ng mga transaksyon sa Ethereum network at suportahan ito.
Ang Ether ay madalas na tinuturing na isang "cryptocurrency", pero ang talagang gamit nito ay hindi para maging pera tulad ng Bitcoin. Ang tunay na gamit nito ay magsilbing parang "gasolina" para sa computational resources na kinakailangan gamitin para magamit ang mga decentralized apps sa Ethereum network. Ngunit, ang Ether ay maaring bilhin at ibenta, tulad nang langis. Ang halaga nito ay nagbabago depende sa supply at demand.
Saan ko ito pwedeng gamitin?
Ang Ether ay ginagamit para bayaran ang mga transaksyon sa Ethereum network. Halimbawa, maaari itong gamiting pangbayad para sa decentralized apps sa ginawa sa Ethereum.
Maaari niyong makita ang State of the Dapps para sa listahan ng mga decentralized na apps na ginawa sa Ethereum.
At, ang Ether ay maaaring ipalit para Bitcoin, ibang cryptocurrency, at mga pambansang pera. Ngunit, ang unang pakay nito ay para magamit bilang pambayad sa mga application sa Ethereum. Hindi tulad ng Bitcoin, hindi niyo maaaring gamitin ang Ether para bumili online (maliban na lang kung merong application sa Ethereum na nagbibigay ng ganitong serbisyo).
Dahil dito, hindi niyo pwedeng gamitin ang inyong Coins.ph Ethereum wallet para mag-cash in, cash out, buy load, pay bills, at bumili ng game credits.
Ano ang presyo ng ETH?
Tulad ng Bitcoin, ang halaga ng Ether ay malalaman base sa market demand at nadidikta ng mga bumibili at nagbebenta nito. Hindi kontrolado ng Coins.ph and presyo ng Ether.
Para makita ang kasalukuyang buy/sell na rate para sa Ether, pumunta lamang sa inyong main wallet screen at pindutin ang Convert icon. Ang pagpalit ng PHP sa ETH ay binabase sa kasalukuyang buy rate, habang ang pagpalit ng ETH to PHP ay binabase sa kasalukuyang sell rate.