Matinding nirerekomenda ng Coins.ph team na huwag magpadala ng mga token sa wallet address ng ICO mula sa isang Coins.ph wallet.
Dahil hosted web wallet and Coins.ph, lilitaw sa recipient ICO na ipinadala ang mga token mula sa wallet address ng Coins.ph at hindi mula sa inyong personal na wallet address. Maaari ring ipalagda sa inyo ang wallet kung saan kayo nagpadala ng token bilang patunay ng pagmamay-ari ng wallet na hindi posible sa mga Coins.ph wallets.
Sa mga sitwasyong ito, bukod sa iba pa, hindi po ninyo makukuha ang inyong ICO tokens. Hindi mananagot ang Coins.ph kung hindi ninyo makukuha ang mga ICO token kung nagpadala kayo ng token mula sa Coins.ph wallet.