Hindi po, sinusuporta lamang ng mga Coins.ph ETH wallets ang ETH at hindi nagsusuporta sa mga ERC-20 tokens. Huwag pong magdeposito ng anumang ERC-20 tokens sa inyong ETH wallet, dahil hindi makekredito ang mga tokens sa inyong account at hindi na mababawi.
Responsibilidad po ninyo na suriin ang lahat ng detalye ng transaksyon at ikumpirma na nagdedeposito lang kayo ng ETH sa inyong ETH address na nakalista sa deposit page bago tumuloy sa inyong transfer. Hindi na mababaligtad ang pagpapadala ng ERC-20 tokens sa maling ETH address at magreresulta sa pagkawala ng pondo.