Para gamitin ang feature na ito, kailangan ninyo ng NFC-enabled na Android phone. Maaaring suriin ang listahan ng NFC enabled phones dito o makipag-ugnayan sa amin sa help@coins.ph.
Ang ibig sabihin ng NFC ay Near Field Communication. Nagpapahintulot ito sa mga devices na malapit sa isa't isa na makipag-ugnayan. Ginagamit namin ang teknolohiyang ito para makipag-ugnayan ang inyong Coins.ph app at inyong beep™ card.
Tandaan po lamang na hindi compatible ang mga ibang models ng ibang devices sa NFC para pag-load ng beep™. Kung may nakalista sa NFC Controller column sa grid sa listahang ito, posible na may NFC Controller kayo na hindi compatible sa pag-load ng beep™.
Maaari ko bang gamitin ang iPhone upang magload ng beep™?
Kahit may mga NFC chips ang mga iPhone, pinapayagan lang ng pinakabagong iOs version sa mga app developers ang pagbabasa ng mga NFC tags. Kailangan sa pag-load ng beep™ ng kakayahan magbasa at magsulat ng NFC, kaya hindi namin mabubuo ang feature na ito para sa mga iPhones.
Para sa listahan ng mga NFC compatible devices, maaaring tingnan ang sumusunod na infographic: