Madali lang mag-load ng beep™ card sa Coins.ph! Una, kailangan nakabukas ang NFC sa inyong cellphone. Hindi sigurado kung paano? Tingnan ang artikulong ito.
Kapag enabled na ang NFC, pumunta sa main wallet screen, at piliin ang beep™ icon.
Paano kung hindi ko nakikita ang beep™ icon sa aking wallet screen?
Marahil na walang NFC ang inyong cellphone. Tandaan po lamang na hindi available ang feature na ito sa iPhone devices. Para makita ang listahan ng devices na compatible sa NFC, maaaring pumunta sa link na ito.
Paano makikita ang aking balanse?
I-tap ang All na icon sa wallet upang makita ang beep™ feature.
Mula doon, piliin ang Load Card at itabi ang beep™ card sa likod ng inyong cellphone hanggang sa lumabas ang balanse.
Kapag established na ang connection, lalabas ang inyong balanse. Maaaring tumagal ito nang ilang segundo, depende sa inyong internet connection.
Paano ko ilo-load ang aking beep™ card?
Bilang pagpapatuloy, pindutin ang "Load your Card", at piliin ang halaga na gusto ninyo o ilagay ang halaga na nais niyong i-load. Tapos, i-slide lamang nang pakanan!
Maghintay lamang nang ilang segundo para maproseso ang transaksyon, at ililipat kayo sa screen na katulad ng sa ilalim. Itabi lamang ang card sa likod ng inyong phone upang mag-top up.
Sa wakas, hintayin na lumabas ang confirmation screen na nagpapakita ng inyong bagong balanse.
Maaari bang gamitin ang bitcoin para mag-load ng beep™ card?
Sa ngayon, pinapayagan lang namin na magload ang mga customers ng beep™ cards gamit ang kanilang Peso wallet.