Sa kasalukuyan, may target interval ang Coins.ph na magpadala ng batch transactions na may maximum interval na 2 minuto, o mas mabilis pa.
Para sa mga external Bitcoin at Bitcoin Cash transactions, ipinagsasama ang mga transaksyon bago sila i-post sa blockchain. Ito ay isang industry best practice kung saan nagbabawas ng mga fees para sa users at nagbabawas ng traffic sa blockchain.
Mas mahusay na mapoproseso ng Coins.ph ang mga outgoing transfers kapag ginagamit ang batching dahil kumukuha ito ng mas konting espasyo sa network kumpara sa mga marami at mas maliliit na transaksyon. Mas mababa rin ang binabayarang fee sa blockchain dahil sa mas maliit ang size ng mga batched transactions.
Para sa karagdagang impormasyon sa transaction batching, tingnan ito. Kung may katanungan pa po kayo tungkol sa inyong transaksyon, mangyaring magsumite ng request dito o magpadala ng in-app message mula sa inyong account. Babalikan kayo ng aming team sa loob ng 24 oras.