Madali lamang magbayad sa Philippine Airlines gamit ang inyong Coins.ph Wallet. Narito ang mga hakbang para magawa ito:
Step 1: Kapag nakapili na ng inyong destinasyon at ticket details, piliin ang "Reserve and Hold".
Step 2: Punan ang mga detalyeng kailangan at pindutin muli ang “Reserve and hold.”
Step 3: Pagtapos nito, makatatanggap dapat kayo ng confirmation code at reference number ng inyong transaksyon.
Step 4: Tawagan ang Philippine Airlines reservation Hotline at sundin ang instructions kung paano magbayad gamit ang Coins.ph.
PAL Reservations Hotline: Metro Manila: (632) 855-8888 / CEBU: (032) 340-0191 / DAVAO: (082) 287- 7788.
Pagtapos magbayad, makatatanggap kayo ng email para sa inyong e-ticket. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tingnan ang website ng PAL.