Ang Chainlink network ay isang protocol na nagkokonekta ng mga smart contracts sa mga mapagkukunan ng datos sa labas ng blockchain. Nagagawa ito sa pamamagitan ng isang desentralisadong network ng mga nodes na tinatawag na oracles.
Ang LINK ay ang katutubong token ng Chainlink network at karaniwan itong ginagamit para magbigay ng datos mula sa tunay na mundo (mga presyo, lagay ng panahon, resulta ng mga sporting events, atbp.) sa mga smart contracts sa Ethereum blockchain.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Chainlink, maaaring tingnan ang kanilang opisyal na website sa link na ito.