Ang Kyber network ay isang protocol na naglalayong magbigay ng liquidity sa mga desentralisadong produkto at nagpapadali ng swaps o pagpapalit ng mga ERC-20 tokens. Pinagsasama-sama ng protocol ang liquidity mula sa mga ibang sources (reserves, exchanges, atbp.) sa isang pool at ginagamit ito para paganahin ang mga mabilisang swaps ng ERC-20 tokens. Ang Kyber Network Crystal o KNC ay ang katutubong token ng Kyber Network.
Mahalaga ang mga liquidity tokens gaya ng KNC sa ecosystem ng decentralized finance dahil nagbibigay-daan ito sa mabilisang settlement ng mga swaps sa pinakamagandang rate na posible mula sa maraming mga token. Sa hinaharap, nilalayon ng mga developers ng Kyber Network na ipatupad ang protocol sa mga ibang blockchain networks na nagpapahintulot ng smart contracts at magsilbi bilang isang liquidity source para sa maraming chains.
Kamakailan lamang, nag-upgrade ang KNC sa bagong bersyon, KNC v2, habang napanatili ang lumang bersyon bilang KNCL (KNC Legacy). Paalala po lamang na lahat ng pagbanggit ng KNC sa Coins.ph app ay tumutukoy sa KNC v2. Maaaring magpasa ng KNC v2 sa inyong Coins.ph wallet nang walang isyu. Gayunman, anumang transaksyon na gumagamit ng lumang bersyon ng KNC ay hindi maikekredito sa inyong account. Maaaring magbasa nang higit pa tungkol sa migration dito.