Maaari nang mag-top up ng Genshin Impact mula sa Coins.ph website at Android app.
Step 1: Buksan ang inyong Coins.ph wallet at piliin ang Game Credits
Step 2: Piliin ang Genshin Impact.
Step 3: Piliin ang halaga na nais ninyong bilhin. Maaaring pumili mula sa susunod na available denominations: ₱20, ₱50, ₱100, ₱300, ₱500, and ₱1,000.
Step 4: Ilagay ang mobile number na makakatanggap ng ePIN.
Step 5: Makakatanggap ang mobile number ng SMS na mayroong Genshin Impact serial number at PIN. Gamitin ito upang mag top up sa Top-Up Center.
Maaari ring bumili ng game credits para sa ibang online games katulad ng Mobile Legends Diamonds at gaming platforms gaya ng Steam, PlayStation, Nintendo, Garena, at marami pang iba!