Alinsunod sa BSP Circular 1108, mayroong mga karagdagang requirements ukol sa mga recipients ng external cryptocurrency transactions para maproseso namin ang mga transfers. Nakalatag ang mga patnubay na ito para maprotektahan ang mga customers at masigurado na sapat ang due diligence sa mga transaksyon.
Kailangan na ang buong pangalan ng recipient sa mga external outgoing transfers. Kailangan ding nakarehistro ang wallet address ng recipient sa isang virtual asset service provider ayon sa mga patnubay.
Kung nakabigay kayo ng buong pangalan at wallet address ng recipient sa aming platform ngunit nakakuha pa rin kayo ng rejected notification, pakikumpirma sa receiving platform kung saan nakakonekta ang wallet address.
Para sa higit pang impormasyon, maaaring basahin ang artikulong ito: Paano makakaapekto sa external transfers ang Travel Rule?