Ang Uniswap ay isa sa mga pinakatanyag na Decentralized Exchange (DEX) platform kung saan mas madali at mabilis ang palitan ng Ethereum-based tokens.
Noong September 2020, naglabas ng governance token na magrerepresenta sa kanilang platform at tinawag itong UNI token. Ang governance token holders (gaya ng UNI token) ay magkakaroon ng kakayahang bumoto para sa ikabubuti at ikauunlad ng mga Uniswap projects sa hinaharap. Kabilang na rito ang pagpapalit sa fee structure ng Uniswap, pagpopondo sa kani-kanilang liquidity mining pool, atbp.
Isa sa mga bagong itinatampok sa Coins.ph platform ay ang pagsuporta sa token na ito.
Kung nais pa nila malaman ang ibang idinagdag na ERC-20 token, mangyaring bisitahin ang FAQ section na ito.