Ang Maker Protocol ay isang decentralized application (dApp) sa Ethereum kung saan makakagawa ang mga users ng Dai, isang decentralized stablecoin na bina-back up ng mga crypto assets tulad ng ETH at USDC.
Ang namamahalang grupo nito, MakerDAO, ay isang Decentralized Autonomous Organization (DAO) na may layuning bawasan ang price volatility ng Dai stablecoin kontra sa US Dollar (USD). Ang mga may hawak sa MKR governance token ay maaaring bumoto sa mga panukala para gumawa ng mga pagbabago sa loob ng protocol.
Isa sa mga bagong itinatampok sa Coins.ph platform ay ang pagsuporta sa token na ito.
Kung nais pa nila malaman ang ibang idinagdag na ERC-20 token, mangyaring bisitahin ang FAQ section na ito.