Isa sa mga pinakasikat na NFT games kamakailan ang Axie Infinity kung saan nakasentro ito sa mala-Pokémon universe at maaaring kumita ng cryptocurrency ang mga manlalaro sa pamamagitan lamang ng paglalaro at pag-breed sa mga digital pets o mas kilala sa tawag na “Axies”.
Ang SkyMavis, kumpanya sa likod ng Axie Infinity, ay nakapaglunsad nang makabuluhang pagbabago sa cryptocurrency gaming scene sa pamamagitan ng pagpapakilala ng play-to-earn scheme gamit ang blockchain technology. Ginawa ang Axie Infinity sa loob ng Ethereum blockchain at patuloy na dumadagdag ang kanilang active player base higit pa sa ibang mga blockchain game ngayon.
Kagaya ng ibang ERC-20 tokens, mayroong governance token ang Axie Infinity na tinatawag na Axie Infinity Shards (AXS). Maaaring makuha ang AXS habang nakikipagkumpitensya sa ibang mga manlalaro para sa end-of-season rewards o di kaya’y sa pamamagitan ng pag-stake ng token na ito upang mag-earn pa ng mas maraming AXS tokens. Sa kasalukuyan, mayroong dalawang (2) gamit ang ang AXS: (1) bilang key governance token ng Axie Infinity at (2) ginagamit ito upang makapag-breed ng iba’t-ibang Axies.
Idinagdag ng Coins.ph ang AXS token (kasabay ng SLP) upang suportahan ang patuloy na lumalaking Axie community sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Upang makakuha ng karagdagang impormasyon sa ERC-20 tokens, maaaring bisitahin ang FAQ section na ito.