Ang Smooth Love Potion (SLP), dating kilala bilang Small Love Potion, ay ang utility token ng Axie Infinity, isang play-to-earn cryptocurrency game na hango sa sikat na larong Pokemon. Ang mga manlalaro ay maaaring makakuha nang SLP kada araw sa pamamagitan nang pakikipaglaban sa mga kapwa manlalaro (PVP).
Ang SLP ay kalimitang ginagamit upang magparami (o mag-breed) ng Axie. Depende sa dami ng beses na nagamit ang Axie upang i-breed, may tiyak na halaga ng SLP na kinakailangan para sa mga susunod na pag-breed. Bukod pa rito, dahil sa Katana, ang decentralized exchange ng Ronin network, maaaring ipalit ang inyong SLP tokens sa Wrapped ETH (wETH)*, USD Coin (USDC), Axie Infinity Shard (AXS) sa loob ng Axie Infinity Ecosystem. Pinapayagan din ang pagbibigay ng liquidity sa Katana upang makakuha ng RON tokens.
Nilista ng Coins.ph ang SLP token kasama ang AXS upang suportahan ang lumalaking komunidad ng Axie Infinity sa buong mundo.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa ERC-20 tokens, maaari kayong magbasa rito.