Ang Chiliz (CHZ) ay ginagamit bilang currency sa Socios.com - isang platform sa blockchain kung saan maaaring suportahan ng mga iba’t-ibang users ang kanilang mga paboritong sports team (o e-sports team) sa pagbibili ng kanilang mga tokens. Gamit ang mga tokens na ito, makaboto ang mga fans tungkol sa direksyon at kurso ng mga aksyon na gagampanan ng organisasyon (hal. disenyo ng uniporme, lineup, pangalan ng stadium, at iba pa).
Ito rin ay nagsisilbing paraan ng mga teams upang magkaroon ng “fan engagement” at isa ring paraan para kumita sila.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Chiliz at sa CHZ token, maaari sila pumunta sa link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga CHZ transfers na pinapadala sa Ethereum network / ERC-20 Network lamang. Ang pagpadala ng tokens sa pamamagitan ng unsupported networks (katulad ng BSC at TRX) ay magreresulta sa permanent loss ng kanilang funds.