Ang ApeCoin (APE) ay isang ERC20 utility at governance token na ginawa ng APE Foundation. Bilang isang ERC20 token, ito’y ginagamit sa loob ng Ethereum blockchain. Mayroon lamang itong 1 billion tokens na umiikot sa sirkulasyon.
Bilang utility token, pinapayagan nito ang mga users na gamitin ang APE para sa irerelease na laro sa hinaharap, mga paninda, sa mga susunod na event, mga serbisyo, at iba pa! Samantala, ang mga naghahawak ng APE token ay may pribilehiyong bumoto at lumahok sa mga paparating na proposal sa pamamagitan ng DAO community.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ApeCoin at APE token, maaaring tingnan ang link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga APE transfers na pinadaan sa Ethereum network / ERC-20 Network lamang. Ang pagpapadala ng APE tokens sa mga unsupported networks (tulad ng BSC at BEP20) ay magreresulta sa pagkawala ng inyong pera.