Ang Gala Games ay isang platform na katulad ng Steam (isang digital video game distribution service) ang kaibahan lang ay nag-aalok sila ng iba't ibang free-to-play (F2P) blockchain based games. Sinisikap nilang pagtuunan ng pansin ang gaming industry at may layunin na pasikatin ang space sa paraan ng paggawa ng "mga blockchain games na talagang gugustuhin mong laruin".
Ang GALA ay nagsisilbing native token ng Gala Games Ecosystem. Ginagamit ito para sa mga transaksyong ginawa ng mga nakikilahok sa kanilang platform (hal. pagbabayad ng mga digital na produkto o in-game item).
Upang matuto nang higit pa tungkol sa Gala Games at ang GALA token, maaari mong i-click ang link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga GALA transfers na pinapadala sa Ethereum network / ERC-20 Network lamang. Ang pagpadala ng tokens sa pamamagitan ng unsupported networks (katulad ng BSC) ay magreresulta sa permanent loss ng kanilang funds.