Ang Enjin Coin ay isang proyekto ng Enjin, isang kumpanya na nagbibigay ng plataporma upang gumawa ng ‘virtual economies’ gamit ang teknolohiya ng blockchain. Ang pangunahing produkto ng Enjin ay ang Enjin Network, isang social gaming platform kung saan ang mga users ay maaaring gumawa ng websites at clans, makihalubilo sa ibang tao gamit ang iba’t-ibang group chat, at mag-host ng mga virtual item stores.
Ang Enjin Coin (ENJ), isang ERC-20 token, ay maituturing na ‘digital store of value’ na may karampatang halaga na blockchain assets at binuo sa plataporma ng Enjin. Ang ibig sabihin nito ay maaaring i-convert ang mga Enjin-based NFTs pabalik sa ENJ anumang oras. Ginawa nitong posible para sa mga game developers na i-tokenize ang kanilang mga in-game assets sa Ethereum blockchain. Ang buong Enjin blockchain ecosystem ay nagsusulong na magbigay ng mga produkto para sa lahat ng mga interesadong bumuo, makipag-palitan, kumita, bumili at magbenta gamit ang blockchain.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Enjin at ang ENJ token, maaari mong i-click ang link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga ENJ transfers na pinadaan sa Ethereum network / ERC-20 Network lamang. Ang pagpapadala ng ENJ tokens sa mga unsupported networks (tulad ng BSC at BEP20) ay magreresulta sa pagkawala ng inyong pera.