Ang Decentraland (MANA) ay isang uri ng “virtual reality platform” kung saan ito ay pinapagana gamit ang Ethereum blockchain. Ang kanilang mga users ay may kakayahang lumikha, makaranas, at i-monetize ang anumang content o application na mahahanap sa Decentraland.
Mayroong dalawang token ang ecosystem ng Decentraland: MANA at LAND. Ang MANA ay isang ERC-20 token na maaaring gamitin upang makakuha ng non-fungible na ERC-7721 LAND tokens (na mas kilala sa tawag na NFTs). Maaaring gamitin ang MANA sa pagbili ng mga avatar, iba’t-ibang cosmetic na damit (o “wearables”), pangalan o call signs, at iba pang mga gamit sa Decentraland marketplace
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Decentraland at ang MANA token, maaari mong i-click ang link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga MANA transfers na pinadaan sa Ethereum network / ERC-20 Network lamang. Ang pagpapadala ng MANA tokens sa mga unsupported networks (tulad ng BSC at BEP20) ay magreresulta sa pagkawala ng inyong pera.