Ang LooksRare ay isang NFT marketplace kung saan ang pangunahing layunin nila ay ang kanilang komunidad. Itinataguyod nila ito sa pagbibigay ng rewards sa mga trader, collector, at creator na nakikilahok sa kanilang ecosystem sa mga sumusunod na paraan:
- Makakaipon ang mga NFT buyer at seller ng LOOKS tokens kapag bumili at nagbenta sila sa LooksRare marketplace
- Maaaring i-stake ang LOOKS tokens upang makaipon ng 100% trading fees sa platform
- Agad na makukuha ng mga creators ang royalty payments kapag nabenta ang kani-kanilang mga NFT
Higit pa rito, may plano rin silang magdagdag ng mga bagong features katulad ng:
- Collection Offers: Gumawa ng offer na saklaw ang kalalahatan ng NFTs sa isang koleksyon
- Trait Offers: Mag-offer na bumili ng NFT na may partikular na trait o katangian sa isang koleksyon
- Multi-cancellation: Pagkansela ng iba’t-ibang open orders sa isang transaksyon
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa LooksRare at ang LOOKS token, maaari mong i-click ang link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga LOOKS transfers na pinapadala sa Ethereum network / ERC-20 Network lamang. Ang pagpadala ng tokens sa pamamagitan ng unsupported networks (katulad ng BSC) ay magreresulta sa permanent loss ng kanilang funds.