Ang Shiba Inu (SHIB), na madalas tinutukoy bilang “meme coin”, ay ipinangalan sa “Shiba Inu”, isang sikat na aso sa Japan. Inilikha ito sa Ethereum network ni Ryoshi, isang anonymous developer, bilang alternatibo sa Dogecoin (DOGE), isa sa mga pinakauna at pinakasikat na meme coins.
May sariling ecosystem ang token na ito, at kasama rito ang:
- ShibaSwap, isang decentralized exchange kagaya ng Uniswap
- Shiba Inu Incubator, isang incubator para sa NFT art
- Shiboshis, isang koleksyon ng 10,000 NFTs
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SHIB token at ang ecosystem nito, maaari silang pumunta sa link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga SHIB transfers na pinapadala sa Ethereum network / ERC-20 Network lamang. Ang pagpadala ng tokens sa pamamagitan ng unsupported networks (katulad ng BSC) ay magreresulta sa permanent loss ng kanilang funds.