Ang Ria ay isang international money transfer service. Maaaring gamitin ng mga customer ang serbisyong ito para maka-cash in sa kanilang Coins wallet o magpadala ng pera sa Coins wallet ng kanilang recipient abroad.
Narito ang isang mabilis na gabay kung paano mag-cash in sa pamamagitan ng Ria, o paano magpadala ng pera mula sa Ria patungo sa isang Coins.ph wallet.
Step 1: Pumunta sa isang Ria sending agent. Maaaring gamitin itong agent locator: https://www.riamoneytransfer.com/us/en/ria-locator
Step 2: Magpadala ng pera sa Ria. Paalala po lamang na kailangang ipakita ang inyong valid ID (local ID o pasaporte) at ibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
- Buong legal na pangalan ng recipient
- Coins.ph phone number ng recipient
Step 3: Tanggapin ang money transfer sa Coins!
Kailangan pa ng tulong sa inyong Ria transaction? Mag-email lang po sa amin sa help@coins.ph o i-tap ang “Send Us A Message” sa inyong app.