Bilang bahagi ng aming Know-Your-Customer (KYC) policy, ang mga menor de edad mula 14 hanggang 17 taong gulang ay kinakailangang magsumite ng Coins.ph Parental Consent Form para magamit ang lahat ng serbisyo ng Coins.ph. Ang form na ito ay kailangang kumpletuhin at tapusin ng kanilang legal guardian.
Para makumpleto ang form, kinakailangan na magsumite muna ng ID and Selfie Verification. Maaari ninyong tingnan ang aming step-by-step guide para makumpleto ang ID and Selfie Verification. Pakitandaan na para sa mga menor de edad, tinatanggap lang namin ang mga sumusunod na ID:
- School ID
- Passport
- DSWD Travel Clearance
Kapag natapos niyo na pong isumite ang inyong ID and Selfie Verification, maaari ninyong sundan ang 5 easy steps na ito para makumpleto ang inyong Parental Consent Form:
Maaari niyo pong kumpletuhin ang aming Parental Consent Form dito!
Kung may katanungan pa po kayo, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph.