Upang makapagpadala ng Bitcoin sa mga external wallet platforms, sundan lamang ang mga sumusunod na hakbang:
Step 1:
Buksan ang inyong Coins.ph app at piliin ang BTC wallet. Pindutin ang Send.
Step 2:
Pindutin ang “Enter BTC Wallet Address” o maaari ring piliin ang “Scan BTC QR Code.” Ilagay sa patlang ang Recipient BTC Wallet Address kung saan nila nais padalhan ng pera.
Step 3:
Ilagay ang halaga o amount na nais nilang ipadala sa recipient wallet address at pumili ng priority. Nakadepdende sa pipiliing blockchain fee amount kung gaano katulin ang pagkumpirma ng inyong transaksyon sa network. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, maaaring suriin ang FAQ article na ito.
Suriin mabuti ang mga detalye bago ito kumpirmahin upang makaiwas sa kamalian at anumang processing delay.