Noong Nobyembre 15, 2020, sumailalim ang Bitcoin Cash network sa isang hard fork na nagresulta sa dalawang ibang token, Bitcoin Cash Node (BCHN) at Bitcoin Cash ABC (BCHA). Ipinaalam na namin sa mga customer na balak naming suportahan ang isang bersyon ng BCH at ipapasya namin kung aling token ang susundan namin agad bilang pangunahing bersyon ng Bitcoin Cash protocol.
Ayon sa mga resulta ng fork, naging maliwanag na nakatanggap ang implementasyon ng Bitcoin Cash Node (BCHN) ng mas malawak na suporta sa industriya at pagpapatibay kumpara sa Bitcoin Cash ABC (BCHA). Isusuporta ng Coins.ph ang panukala ng Bitcoin Cash Node (BCHN) bilang pagpapatuloy ng Bitcoin Cash chain at BCH identifier. Mula ngayon, anumang pagbanggit ng Bitcoin Cash o BCH sa Coins.ph o Coins Pro ay tutukoy sa Bitcoin Cash Node (BCHN) at ang blockchain nito.
Ipinagana namin muli ang abilidad na magpadala, tumanggap, at mag-convert sa Coins.ph BCH Wallet. Nabuksan na rin ang merkado ng BCH sa Coins Pro para sa pangangalakal.
Upang matiyak na secure ang mga transaksyon sa Bitcoin Cash Node (BCHN) chain, itataas din namin ang bilang ng mga kumpirmasyon na kailangan para sa isang incoming BCH transaction patungong 12 kumpirmasyon* hanggang makamit ang pangmatagalang katatagan sa blockchain. Ang mga transaksyon na dating ipinadala sa inyong BCH wallet noong disabled ang functionality nito, ay ikekredito rin sa inyong account.
Tungkol sa BCH ABC (BCHA), ang minority chain mula sa hard fork na ito, patuloy na susubaybayan ng Coins.ph ang safety at viability ng bagong chain at ang kanyang kaukulang mga token bago magkaroon ng anumang pangmatagalang suporta o pagpapasya ukol sa redemption. Tandaan po na hindi magiging posible ang pagpapadala/pagtanggap ng BCH ABC (BCHA) gamit ang inyong Coins.ph BCH wallet; ang BCH ABC (BCHA) na ipinadala sa inyong Coins.ph BCH wallet ay ituturing bilang cross-chain deposit.
Paalala: Pagsapit ng Hulyo 2022, 6 kumpirmasyon na lang ang kailangan para pumasok ang isang BCH transfer.