Kung kailangan niyo po ng higit pang tulong pagkatapos dumaan sa mga artikulo sa aming Help Center, maaari kayong magpadala ng mensahe sa amin sa Coins app:
1. Pagkatapos mag-login, pindutin ang icon na nasa itaas na kaliwang sulok ng inyong screen.
2. Mapupunta ito sa panibagong view. Piliin ang "Send us a message".
3. Pindutin ang "Message us about a different issue" sa ilalim ng screen.
Maaari ring magpadala sa amin ng mensahe mula sa inyong account sa web browser:
1. Pagkatapos mag-login, i-click ang Help button sa kanang ibaba ng pahina.
2. I-click ang "Contact Us" sa lalabas na window.
3. Pumili ng issue detail at ilagay ang inyong mensahe. Maaari kayong mag-attach ng hanggang limang files.
Hihintayin po namin ang inyong mensahe. Salamat po!